PatrolPH

'Most wanted' ng QCPD Station 10, arestado dahil sa rape

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2021 05:40 AM

MAYNILA - Arestado ang top 1 most wanted ng Quezon City Police District Station 10 dahil sa panggagahasa.

Sinilbihan ng warrant of arrest ang lalaki na kinilalang si Mark Angelo Macaldo.

Kinasuhan siya ng dati niyang kinakasama dahil sa panggagahasa.

Pero itinanggi ng suspek ang mga alegasyon. Wala umano siyang kinalaman dito.

Matagal na rin umano silang hiwalay sa kanyang kinakasama, at wala rin siyang ideya bakit nagkaso ang biktima.

Matagal na ang kasong rape sa lalaki pero nitong Miyerkoles lang nahuli ang suspek sa Panay, Quezon City.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.