PatrolPH

Most wanted na carnapper sa Cagayan arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2021 06:59 PM | Updated as of Feb 12 2021 05:28 AM

MAYNILA - Inaresto ng mga awtoridad ang most wanted carnapper ng Cagayan sa isang manhunt operation sa Isabela nitong Miyerkoles.

Ayon sa PNP, nahuli si alyas Justin Imput sa Barangay Burgos sa bayan ng San Guillermo sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap sa kasong carnapping ang 24 anyos na suspek, at puwede siya makapagpiyansa ng P180,000 para sa pansamantalang paglaya.

Nahuli din ang isang carnapper umano sa Barangay Bancal Extension, lungsod ng Meycauyan, Bulacan.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli sa bisa ng warrant of arrest si alyas Boy Negro, 24, na nahaharap din sa kasong kidnapping. 

Isang motorsiklo na ninakaw niya umano sa bayan ng Camalig, Albay ang narekober ng pulisya.

Puwede umano siya makapagpiyansa ng P300,000 para sa pansamantalang paglaya.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.