PatrolPH

Klase at pasok sa opisina ng gobyerno sa Palo, Leyte, suspendido dahil sa ulan at baha

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2021 01:13 AM

Watch more on iWantTFC

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Palo sa Leyte ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa bayan ngayong Huwebes, Pebrero 11, dahil sa nararanasang pagbaha at pag-ulan sa lugar.

Sa Executive Order No. 9 na inilabas Miyerkoles, ipinag-utos rin ni Mayor Frances Ann Petilla ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno sa bayan.

Ipinauubaya naman sa mga pribadong kumpanya ang pagsuspinde sa trabaho sa mga pribadong opisina.

Dagdag pa ni Petilla, maraming mga barangay ang nananatiling lubog sa baha dahil sa naranasang pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Kasalukuyan pa ring nakakaranas ng pabugso-bugsong pag-ulan sa bayan ng Palo. - ulat ni Sharon Evite

Klase at pasok sa opisina ng gobyerno sa Palo, Leyte, suspendido dahil sa ulan at baha 1
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.