PatrolPH

7 bata sa Zamboanga del Norte nasagip sa 'cyberporn'; lola, ina huli

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2021 08:27 PM | Updated as of Feb 12 2021 08:14 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Pitong menor de edad ang na-rescue noong Miyerkoles ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa Labason, Zamboanga del Norte mula sa umano'y cyberporn operation.

Ayon kay Lt. Col. Christine Tan, OIC ng PNP-WCPC Mindanao Field Unit, mismong mga lola at nanay ng mga bata ang mga suspek.

Modus umano nila na ibenta ang mga video ng mga bata sa mga foreigner na nagbi-video call gamit ang messaging app.

Sa halagang P2,000 pataas ay pinagsho-show ang mga batang biktima. 

Nasa edad 3 hanggang 14 ang mga batang biktima na ni-rescue.

Ang ilang parokyano umano ng mga suspek ay mula sa Australia kaya nakikipag-ugnayan ang PNP sa Australian Federal Police.

Nasa pangangalaga na ng awtoridad ang mga batang biktima habang nakapiit naman ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

–Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.