PatrolPH

2 lalaki, nakuhanan ng mahigit P600,000 'shabu' sa Tondo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2021 03:32 AM | Updated as of Feb 11 2021 07:24 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado sa buy-bust operation ng Jose Abad Santos Police ang 2 lalaking tulak umano ng droga sa Tondo, Maynila Miyerkoles.

Nangyari ang transaksyon sa Rizal Avenue kung saan nagbenta umano ang mga suspek ng P500 halaga ng hinihinalang shabu.

Pero nakuha pa sa kanila ang 21 pakete ng hinihinalang shabu na abot sa P678,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, parehong driver ang dalawang suspek na mga residente sa Quezon City.

Nasa edad 33 at 37 anyos ang dalawang lalaki.

Namonitor na dumadayo pa sila sa Maynila para makapagbenta umano ng ilegal na droga.

Posibleng mga kapwa driver rin ang kanilang mga parokyano kaya iniimbestigahan na kung sino pa ang mga sinusuplyan nila ng droga.

Pagbebenta at pagbibitbit ng iligal na droga ang kasong haharapin ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.