P5.5 milyong halaga ng shabu nasamsam, 5 arestado sa drug ops sa Cebu City

Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 12:52 PM

CEBU CITY — Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P5.5 milyon na halaga ng hinihinalang shabu at 5 naman ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon dito sa lungsod, Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga. 

Unang nakuha ang nasa P1 milyong halaga ng shabu mula sa magkasintahan sa Sitio Bato, Barangay Ermita, ayon sa pulisya. 

Samantala, nasa P4.5 milyong halaga naman ng droga ang nakuha mula sa 3 lalaki sa Barangay Hipodromo, sabi ng mga imbestigador. 

Iniimbestigahan ng pulisya ang impormasyong galing lang sa Cebu City ang mga nakuhang bawal na gamot. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.