Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 08:28 AM | Updated as of Feb 11 2020 08:29 AM

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay Lunes ng umaga sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Kuha ng Himamaylan Police

Nakita ni Agapito Malayas Jr. ang lalaki na nakahiga sa kabaling bahagi ng cyclone wire sa kanyang compound habang hinahanap ang kanyang manok.

Ayon sa pulisya, walang nakitang sugat sa katawan ng lalaki.

Base sa resulta ng medical examination, posible umanong nakuryente ito sa poste na katabi lang kung saan siya nakitang nakahiga.

Patuloy na kinikilala ang biktima na tinatayang nasa 30 hanggang 40 taong gulang at may tattoo itong "RIOU" sa kaliwang braso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.