8 PUIs sa Negros Oriental, nakalabas na sa ospital

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 08:12 PM | Updated as of Feb 11 2020 09:30 PM

Pinayagan na ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Negros Oriental na makalabas sa local health facility ang walong patients under investigation o PUIs.

Ito'y matapos na nag-negatibo sila sa novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) base sa resulta ng kanilang swab test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Pero dahil wala pa ang resulta ng kanilang confirmatory test mula sa RITM, pababalikin sila sa Provincial Health Office matapos ang limang araw para isailalim ulit sa health assessment.

Sa Miyerkoles na rin ang huling araw ng 14-day quarantine period ng tatlo pang natitirang persons under monitoring (PUMs) sa lalawigan.

Inaasahan na darating sa linggo na ito ang resulta ng confirmatory test ng walong PUI. Kung mag-negatibo ang lahat ng mga ito, maidedeklara nang nCoV-free ng DOH ang buong Negros Oriental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.