Suspek sa panghoholdap ng jeep, arestado sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 08:23 AM

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos umano mangholdap ng mga pasahero ng isang pampublikong jeep sa Buendia, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Eman Perez y Domingo, 37 anyos at miyembro umano ng Sputnik Gang.

Batay sa paunang ulat ng Makati Central Police, humingi ng tulong sa kanila ang mga biktimang sina John Maldia, Mary Grace Flores at Mark Gonzales.

Ayon sa mga biktima, papunta ng Pasay ang naturang jeep nang sumakay si Perez, bumunot ito ng kutsilyo at tinakot ang mga pasahero. Kinuha niya ang celphone ng mga pasahero na may kabuuang halaga na P31,000.

Sinubukan lumaban ng mga lalaking pasahero kaya bahagyang nasugatan ang suspek at nahuli nila ito. Dun sila humingi ng tulong sa pulis para madala sa istasyon ng pulis ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.