Barker ng jeep patay nang barilin habang nagtatawag ng mga pasahero

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 09:48 PM

MAYNILA - Patay ang isang barker ng jeep habang sugatan ang dalawang iba pa sa pamamaril sa gilid ng Anda Circle sa Port Area, Linggo, pasado alas-6 ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Melchor Fererras, kilala rin sa alyas na "Nanak," na umano'y tinamaan ng bala sa babà at dibdib habang nagtatawag ng pasahero ng jeep sa lugar. 

Ayon sa pulisya, batay na rin sa mga nakasaksi ng insidente, magkaangkas sa motorsiklo ang mga salaring nagpaulan ng bala kay Fererras.

Ayon naman kay Alex Alaban, opisyal Barangay 650 sa Maynila, notoryus na isnatser umano ang napatay na lalaki at nakulong na rin ito noong nakarang taon. 

Sugatan naman ang kasamahan ni Fererras na si alyas Buging at isang taxi driver na napadaan lamang sa lugar. Agad silang dinala sila sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.