9 na turistang Tsino sugatan sa pagtagilid ng van sa Cebu

Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 12:43 AM

Kuha ng San Fernando, Cebu Police

Sugatan ang 9 na Chinese nationals na sakay ng isang tourist van matapos tumagilid sa San Fernando, southern Cebu. 

Inamin ng driver na si Ciriaco Suson Jr. na nakatulog siya kaya saglit siyang nawalan ng kontrol sa kaniyang minamaneho. 

Ayon naman sa San Fernando Police, kaunting galos ang natamo ng mga sakay ng van at madaling naidala sa ospital. 

Galing ng Oslob, Cebu ang tourist van para sa whale-shark watching. Pauwi na sana sila pabalik sa kanilang hotel sa Cebu City. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.