40 hinuli dahil sa paglabag sa ‘discipline hour’ sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 08:07 AM

MANILA - Hinuli ang 40 lalaki dahil sa paglabag sa ‘discipline hour’ ng Quezon City.

Kabilang dito ang mga walang suot na pang-itaas, nag-iinom sa kalsada at menor de edad na gumagala nang lagpas sa curfew.

Ayon sa isang nahuli na nakahubad ng pang-itaas, mainit daw kasi at bibili lang siya ng sigarilyo.

Magbabayad isya ng isang P1,000 bilang multa sa kanyang first offense. Kapag inulit pa niya ito, tataas sa P2,000 sa ikalawang offense, at P3,000 sa third offense.

Ang mga nahuli namang nag-iinom sa kalsada, kailangang magpiyansa ng P2,000.

Ayon kay Jong Ludovico, assistant operations head ng Bargy. Batasan, isinailalim din sa drug testing ang mga nahuli kung saan dalawa ang nagpositibo kabilang ang isang menor de edad. -- ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.