2 umano'y snatcher, napatay sa Maynila

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 08:20 AM | Updated as of Sep 07 2018 12:15 AM

MANILA - Patay ang dalawang umano'y snatcher matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa gilid ng Mc Arthur Bridge, sa Escolta, Manila.

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki na agad isinugod sa Justice Jose Abad Santos Hospital.

Ayon kay Supt. Amante Daro, rumoronda ang kanilang mga pulis nang maaktuhan nanghahablot ng mga bag mula sa isang biktima ang naturang mga lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Rumesponde ang mga pulis, at nang aarestuhin na ang mga suspek ay nakipagbarilan umano ito sa mga pulis.

Dead on arrival ang dalawang lalaki bunsod ng mga tama ng bala sa katawan.

Nakalap sa crime scene ay isang revolver na baril, at ang naiwang motorsiklo ng dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.