MAYNILA -- Isang warehouse ang nilamon ng apoy sa Barangay Singkamas, Makati City nitong Biyernes.
Alas-4:25 nang magsimula ang sunog, ayon kay Superintendent Anthony Arroyo, ang city fire marshal ng Bureau of Fire Protection Makati.
Pagawaan ng wooden pallet o paleta ang nasunog na warehouse.
Imbakan din ito ng mga stationery paper.
Gawa sa mga kahoy ang nasunog na gusali kaya madaling natupok.
Bukod sa natupok na gusali may 13 sasakyan din ang nasunog.
May apat na bahay din sa loob ng compound na tinutuluyan ng mga trabahador ang nasunog.
May isang trabahador ng warehouse ang nagtamo ng second-degree burn.
Alas singko kwarenta y uno ideneklarang fire out ang sunog.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.