PatrolPH

Kadiwa market, pumuwesto sa San Juan City hall

Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2023 03:38 PM

MAYNILA — Muling umarangkada ang Kadiwa market kung saan makabibili ng murang produktong agrikultura sa San Juan City nitong Biyernes.

Ngayong araw ay mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang pangunahing nakinabang sa programa dahil sa open space parking ng city hall naka-setup ang mga paninda.

Unang naubos ang puting sibuyas na nasa P100 ang kilo. May mga pulang sibuyas naman na P120 ang kilo.

Patok din ang kalamansi na bagsak-presyo sa halagang P50 kada kilo. Nasa P37 hanggang P44 naman ang kada kilo ng bigas, depende sa klase.

Samantala, nasa P8 naman ang kada piraso ng itlog; P18 ang maalat.

Hindi naman nakarating ang kamatis na P20 kada kilo.

Umiikot ang tinatawag na “Kadiwa On Wheels” 2 hanggang 3 beses sa iba’t ibang lugar sa San Juan kada linggo.

KAUGNAY NA ULAT: 

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.