PatrolPH

Ikatlong yugto ng national COVID-19 vaccination days umarangkada

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2022 12:44 PM

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata sa Manila Zoo noong Pebrero 7, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata sa Manila Zoo noong Pebrero 7, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Umarangkada ngayong Huwebes ang ikatlong yugto ng national vaccination days, na layong mas paramihin pa ang mabakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na layong mabakunahan ang 5 milyong indibidwal sa ikatlong Bayanihan Bakunahan, na tatagal hanggang Biyernes.

Sa Quezon City, kasama sa mga nagsilbing vaccination site ang munisipyo, Eton Centris at Quezon Memorial Circle.

Watch more News on iWantTFC

Maagang pumila ang ilang magulang kasama ang kanilang mga teenager na anak sa Quezon City Hall. May mga pumila rin para magpa-booster shot.

Ipinagbabawal ang walk-in sa naturang vaccination site kaya dapat magparehistro muna sa kanilang website.

Sa huling tala, 60.1 milyon ng populasyon na ang maituturing na fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 8.2 milyon ang nakapagpa-booster dose na.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.