PatrolPH

2 bata, 2 rebelde patay sa pag-atake umano ng NPA sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2022 06:31 PM

Philippine Army 803rd Brigade
Sugatan ang isang lalaki matapos ang pag-atake umano ng New People's Army sa Catubig, Northern Samar. Kuha ng Philippine Army 803rd Brigade

Patay ang dalawang menor de edad matapos ang pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Catubig, Northern Samar nitong Miyerkoles.

Ayon sa militar, nakikipag-usap ang mga sundalo ng Philippine Army 803rd Brigade sa ilang sibilyan sa Brgy. Roxas nang paputukan sila ng mga rebelde.

Nakaganti ng putok ang mga sundalo at umabot sa 20 minuto ang barilan ng dalawang panig. 

Ayon sa militar, maliban sa mga menor de edad, na edad 12 at 13 anyos, dalawang NPA member din ang nasawi. 

Isang 26-anyos na lalaki ang nasugatan naman.

Kinondena ni Northern Samar Gov. Edwin Ongchuan at Catubig Mayor Galahad Vicencio ang pangyayari. Nagbigay tulong ang mga opisyal sa mga pamilya ng biktima.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.