PatrolPH

TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2021 01:14 PM

Nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa bayan ng Palo sa Leyte ang walang tigil na pag-ulan sa lugar.

TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 1
TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 2

Hindi madaanan ang bahagi ng kalsada sa Sitio Barayong sa Barangay Kauswagan sa Palo, Leyte dahil sa naganap na landslide. Larawan mula kay Franco Barredo

Hindi madaanan ang bahagi ng kalsada sa Sitio Barayong sa Barangay Kauswagan sa Palo, Leyte dahil sa naganap na landslide. Larawan mula kay Franco Barredo

Sa Sitio Barayong, Barangay Kauswagan sa Palo nagkaroon ng landslide kung saan magkahalong, lupa at puno ng saging at ibang tanim ang bumalandra sa kalsada.

Ayon sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, masuwerteng walang nasaktan at walang bahay na nasira sa landslide

TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 3
TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 4
TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 5

Gumamit na ng balsa ang mga residente ng Cangumbang sa Palo, Leyte dahil nalubog na sa baha ang mga bahay. Larawan mula kay Zamsntha Yari Espina Guyjoco

Gumamit naman ng balsa ang ilang residente sa Cangumbang sa nasabi ding bayan dahil sa patuloy na pagtaas ng baha.

Sa larawan na ipinadala ni Zamsntha Yari Espina Guyjoco, makikita na lubog na sa baha ang ilang kabahayan. Ilang residente ang lumikas na sa paaralan dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 6
TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 7
TINGNAN: Pag-ulan sa Leyte nagdulot ng landslide, pagbaha 8

Lampas tao ang bahang naranasan sa bayan ng San Miguel sa Leyte. Larawan mula kay Mayor Norman Sabdao

Matinding pagbaha rin ang naranasan sa bayan ng San Miguel sa Leyte.

Ayon kay Mayor Norman Sabdao, lampas tao na ang baha sa mga low-lying residential areas at umabot na din sa highway ang tubig. 

Sa ngayon, nasa 1,732 pamilya na ang apektado at mayroon namang mahigit sa 2,000 indibidwal ang nasa evacuation centers.

- Ulat nina Jenette Ruedas at Ranulfo Docdocon
 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.