Nanawagan si Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz" Dolor sa Land Transportation Office (LTO) na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) sa lalawigan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinangungunahan ni Senator Grace Poe nitong Martes ng umaga, inilatag ni Dolor ang suliranin ng lalawigan sa pagpapatupad ng PMVIC.
Unang nabanggit ay ang kakulangan ng pasilidad para dito sa Mimaropa region, kaya magkakaroon ng paglabag sa mga health protocols gaya ng physical distancing. Dumagsa kasi ang mga motorista sa kanilang pasilidad sa Calapan City.
Dagdag pasanin rin umano ang bayarin para sa mamamayan, at higit sa lahat wala rin raw konsultasyon sa mga local government units.
"These are issues na dapat nilang sagutin, kasi Ma'am, its unfair na in-implement nila na walang consultation on local government. As a matter of fact as governor of the province nagulat na lang ako nung umaga biglang ganitong may ini-implement ang LTO," aniya.
Hindi rin umano ito napapanahon lalo at dumaraan ang bansa sa pandemya.
"Ang dami Ma'am na nawalan ng trabaho at ang daming ngayong panahong ito na nangangailangan ng assistance from government and then ita-timing pa natin ngayon ang pagi-implement nito, I think government must be sensitive enough on the fight of our people huwag naman sa panahong ito," dagdag pa ni Dolor.
Kaya naman kaisa nito ang bawat opisyales ng lalawigan sa panawagang ipagpaliban muna ito.
Sinang-ayunan naman ito ni Poe.
"Yung sinasabi nyong point na 200-400 per day per facility ang minimum time is 30 minutes per inspection paano mo mafit yung 200 na yun at a minimum kung 30 minutes each so you're right about social distancing and also preventing the spread of the virus if we only have very limited center," aniya.
Samantala nabanggit rin ni Dolor na agad itong sumulat sa LTO nung ikalawalang araw na ipatupad ito noong nakaraang buwan, pero hindi raw siya nakatanggap ng sagot mula sa LTO.
Ang PMVIC ang papalit sa mga private emission testing center. Bukod sa emission, susuriin rin umano sa mga PMVIC ang road worthiness ng mga sasakyan.
- ulat ni Andrew Bernardo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Oriental Mindoro, Bonz Dolor, Grace Poe, LTO, DOTr, PMVIC, vehicle inspection center, Tagalog news