Sunog sumiklab sa bodega ng plastik sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2020 12:14 AM

MAYNILA - Nawalan ng malay ang isang lalaki matapos makalanghap ng usok sa sunog sa bodega ng plastic sa M. Antonio Street sa Maysan, Valenzuela City Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, agad namang nalapatan ng lunas ang biktima.

Tumagal ang sunog ng halos tatlong oras bago idineklarang fire out bandang alas-4 ng hapon.

Umabot ito sa ikatlong alarma. 

Inaalam pa ang sanhi ng sunog, maging ang halaga ng pinsalang dulot nito. 

- ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.