‘Naiwanang kandila’ sinisilip na sanhi ng sunog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2020 01:24 PM

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa residential area sa Tondo, Maynila noong gabi ng Linggo.

Naiwanang kandila ang isa sa mga hinihinalang sanhi ng sunog, na tumama sa Victor Lopez Compound sa Capulong Street, ayon kay Fire Senior Inspector Shiela Tantiado ng Manila Fire District.

Bandang alas-9 ng gabi nang mapansing lumalaki ang apoy sa mga baboy, ayon sa mga testigo habang bandang alas-10:16 ng gabi naman nagdeklara ng fire out ang Bureau of Fire Protection.

Mananatili muna sa covered court ang mga nasunugang residente.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.