3 'patients under investigation' sa Cordillera, negatibo sa 2019-nCoV

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2020 11:26 PM | Updated as of Feb 11 2020 12:09 AM

BAGUIO CITY - Lumabas na negatibo ang mga laboratory result ng 3 patients under investigation (PUI) sa novel coronavirus o 2019-nCoV sa Cordillera.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang resulta ng isa pang PUI na naka-admit ngayon sa Benguet General Hospital.

Tinatayang aabot sa 900 katao ang namatay na dahil sa 2019-nCoV sa buong mundo, samantalang hindi bababa sa 40,000 ang naghawa na sa sakit, partikular sa China.

Mayroong 314 kaso ng PUI sa bansa kasama na ang tatlong nagpositibo sa naturang virus. Sa kabuuang bilang, 261 ang na-admit sa mga health facility at 48 na ang na-discharge.

Sa ngayon, 109 na ang nagnegatibo sa naturang virus, samantalang 202 naman ang naghihintay ng resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine.-Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.