May-ari ng videoke bar, patay sa pamamaril

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 06:31 PM

Patay ang may-ari ng isang videoke bar sa bayan ng Cauayan sa Negros Occidental matapos na pagbabarilin ng apat na mga hindi pa nakikilalang tao Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, nag-ooperate ng videoke machine ang 67 anyos na biktimang si Pablito Belnas nang barilin ng apat na beses.

Nagtamo siya ng tama ng bala sa likod ng ulo na siya niyang ikinamatay.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima at patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.