Babae arestado sa online sex show ng mga menor de edad sa Taguig

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 09:14 AM

MANILA - Inaresto ng pulisya sa Taguig ang isang babaeng wanted dahil umano sa pambubugaw ng mga kabataan para sa mga malalaswang palabas online.

Arestado si Ma. Lorena Regalona, alyas Rhea, na ilang taon nang pinaghahanap ng mga pulis.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, kasama pa umano ang pamilya ni Regalona sa paggamit ng mga bata mula sa kanilang lugar sa mga online sex show na pinapanood ng mga suki nilang foreigner.

Natunton ng CIDG ang suspek mula sa sumbong ng confidential informant noong isang linggo.

Nahaharap si Regalona sa mga kasong qualified trafficking in persons na may parusang habambuhay na kulong at multang aabot ng P5 milyon.

Kakasuhan din siya ng paglabag sa batas laban sa pang-aabuso ng mga bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.