70-anyos patay sa hit-and-run sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 12:35 PM

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang 70-anyos na lalaki matapos masagasaan ng tricycle dito, Sabado ng gabi.

Mabilis ang takbo ng tricycle nang mabangga nito si Agustino Datiles sa pedestrian lane ng Maria Clara Lorenzo Lobregat Highway, ayon sa pulisya.

Tumakas anila ang driver pero naaresto rin makalipas ang ilang oras.

Naisugod naman sa ospital ang biktima pero namatay rin dahil sa sugat sa kaniyang ulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.