4 arestado sa buy-bust sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2019 06:41 PM | Updated as of Feb 10 2019 09:59 PM

Inaresto ang dalawang lalaki at dalawang babae sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa isang kuwarto ng pension house sa San Carlos City sa Negros Occidental noong Sabado ng gabi.

Nakuha sa kanila ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P84,000.

May nakuha rin na mga drug paraphernalia at gamit sa pag-repack.

Ayon sa hepe ng San Carlos Police na si Superintendent D'Artagnan Katalbas, high-value target sa kanilang anti-illegal drugs campaign ang dalawang lalaking suspek.

Ito ang ikaapat na beses na nagsagawa ng buy-bust operation ang pulis sa loob ng mga pension house sa lungsod. Hindi na umano ibinibenta ang droga sa mga kalye kundi sa loob na ng mga hotel o pension house para hindi madaling mahuli ng pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.