Malaking sunog sumiklab sa Sta. Mesa, Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 08:21 PM | Updated as of Feb 10 2018 10:10 PM

MANILA (2nd UPDATE)—Sumiklab ang isang malaking sunog sa Altura Street, Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa Sabado ng gabi.

Ayon kay Sr. Insp. Reden Alumno, ang chief investigator ng Manila fire district, bandang alas-6:30 ng gabi nang masunog ang bahay ng Chinese businessman na si Antonio Cia.

Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay pero hindi pa malaman ang dahilan.

Dahil antique na ang bahay, mabilis na lumaki ang sunog na makalipas ang 10 minuto ay itinaas agad sa ikatlong alarma.

Habang inaapula ang apoy, isang fire volunteer ang bahagyang nasaktan sa balikat at panga pero nasa maayos nang kondisyon ngayon.

Idineklara ang fire out alas-8:30 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.