Mag live-in partner, huli sa drug bust

Meneil Lopez, ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 12:02 PM | Updated as of Sep 05 2018 06:25 PM

Tiklo ang isang construction worker at kaniyang live-in partner matapos mahuli sa buy-bust operation sa Bacolod City Biyernes ng hapon.

Arestado sina Chargotte De Asis at Regin Tabara sa Abada Escay, Barangay Visat Alegre sa siyudad.

Nakuha sa kanila ang tatlong malalaki at tatlong maliliit na selyadong transparent sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P225,000, at P1,000 pera na ginamit bilang marked money.

Ayon sa City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City, si De Asis ay itinuturing na isang high-value target.

Pinabulaanan naman niya na sa kaniya galing ang mga narekober na droga ng awtoridad.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.