Estudyanteng 'napagtripan' ng fraternity, sinaksak, patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 05:07 AM | Updated as of Sep 05 2018 06:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang 18-anyos na estudyante matapos saksakin ng mga miyembro umano ng isang fraternity sa Barangay San Antonio, Makati City nitong Biyernes.

Nagtamo ng 5 saksak sa katawan si John Ernest Rivera. Isinugod pa ito sa Sta. Ana Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sa kuha ng isang CCTV, makikitang nagtatakbuhan ang mga suspek sa grupo ng mga estudyante ng San Antonio High School.

Batay sa paunang imbestigasyon, pinagtripan ng mga suspek ang biktima.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Joseph Bardiquillo, Leo Villanaba, Earlbert Solera, at Kyle Joves.

Arestado na si Joves at patuloy pang pinaghahanap ang 3 nitong kasamahan. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.