Estudyante sa senior high, timbog sa buy-bust sa Butuan

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 12:33 AM | Updated as of Sep 05 2018 08:39 AM

Arestado ang isang estudyante sa senior high sa ikinasang buy-bust operation sa Butuan City Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Mark Lingaton, 18-anyos, grade 12 student sa isang pampublikong paraalan sa siyudad.

Narekober mula sa kanya ang 40 sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng halos P60,000.

Nasabat din kay Lingaton ang P3,000 na pinaniniwalaang kita sa bentahan ng ilegal na droga.

Ikinasa ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit ng Butuan City Police Office alas-5 ng hapon.

Aminado ang suspek na sangkot ito sa pagtutulak, ayon sa pulis. 

Nagsimula umano siya bilang runner at naenganyo na magbenta. 

Inamin din ni Lingatong na gumagamit siya ng droga.

Iimbestigahan ng Butuan police kung sino ang supplier ng suspek.

Mahaharap si Lingatong sa paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni May Diez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.