Batang nakuhanang nagnakaw ng abuloy, na-rescue; 3 lalaki itinuro

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 12:39 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Na-rescue na ang 9 anyos na bata na nakuhanan sa CCTV noong Martes na tumangay ng abuloy para sa patay sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay alyas 'Boy,' may tatlong lalaki umano na nag-uutos sa kanyang magnakaw.

Nakunan sa CCTV noong Martes si Boy sa isang burol sa Sta. Mesa, kung saan tinangay niya ang abuloy sa patay.
    
Dahil sa video, nakilala ang bata at agad itong na-rescue.

Halos mapaiyak naman si Mayniel Leaño nang akapin ang bata, matapos itong humingi ng tawad sa kanya sa pagnanakaw ng abuloy ng namatay niyang ina.

"Naaawa ako sa kanya, nanay din ako, kaedad niya ang anak ko," ani Leaño.

Ang lolo na lang ni Boy ang nag-aalaga sa kanya matapos umanong malulong sa droga ang kaniyang ina.

Inabisuhan na ng barangay at Violence Against Women and Children ang kaanak ni Boy na patuloy siyang gabayan at ilayo sa mga tao na may hindi magandang impluwensiya.
    
--Ulat ni Zyann Ambrosio , ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.