MAYNILA - Idinepensa ng gobyerno ang panibagong pagtaas ng presyo ng sangkaterbang pangunahing bilihin dahil kailangan umano ito para hindi magsara ang mga negosyong matagal nang humihirit ng dagdag-presyo.
Aabot sa 76 basic items ang pinayagang magtaas-presyo ng Department of Trade and Industry (DTI) kabilang na ang ilang brands ng sardinas, karneng de lata, instant noodles, kape, gatas at iba pa.
"Natatakot kami. We consider it as a threat na magsara sila, mag-streamline ng production, magbawas ng tao o totally hindi i-produce itong mga fast-moving items, ayaw naman natin 'yun kasi ito 'yung mga produktong affordable talaga sa masa na available, ayaw natin na mawala ito sa market," ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.
Wala naman umanong magawa ang mga konsumer kung 'di magtipid at pagkasyahin ang suweldong hindi makahabol sa pagmahal ng bilihin.
Kaya naman may payo ang DTI.
"Pasensiya na po pero doon sa ating SRP bulletin meron naman kayong makikita na hindi gumalaw ang presyo from August, puwedeng ito na muna ang bilhin natin," ani Castelo.
Para sa mga supermarket owner, hindi na dapat kino-control ng gobyerno ang presyo.
"Government should be focusing more on coming up with a proper environment and business climate conditions for people in business to thrive and grow and expand," ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.