PatrolPH

Bangkay ng bagong silang na sanggol, natagpuan sa irigasyon sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2023 04:53 PM

Nakita ng mga residente ang isang patay na bagong silang na sanggol na lumulutang sa irrigation canal sa Purok 8, Barangay Poblacion sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur nitong Miyerkoles ng hapon.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang residente na unang nakakita sa bangkay ng sanggol kaya agad itong pinuntahan at nadatnan ito sa irigasyon.

Kinuha ng mga pulis at rescuer ang sanggol at dinala pa sa municipal health office para subukang iligtas.

Pero idineklarang dead on arrival ang sanggol at dinala ito sa punerarya.

Nag-iimbestiga ang mga pulis at sinusuri ang listahan ng mga buntis sa lugar noong nakaraang taon para malaman kung sino ang nagtapon ng sanggol sa irigasyon.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.