PatrolPH

Nasa 3,000 sibuyas, ipinamigay ng discount store sa community pantry

Bayan Mo, Ipatrol Mo

Posted at Feb 09 2023 01:50 PM

3,000 sibuyas, ipinamigay ng discount store sa community pantry 1
3,000 sibuyas, ipinamigay ng discount store sa community pantry 2

Ipinamigay sa isang community pantry ang nasa 3,000 sibuyas at iba bang gulay na nalikom ng isang discount store sa Quezon City. Japan Home Centre 

Ipinamigay sa isang community pantry ang nasa 3,000 sibuyas at iba bang gulay na nalikom ng isang discount store sa Quezon City. Japan Home Centre 

Ipinamigay sa isang community pantry ang nasa 3,000 sibuyas at iba bang gulay na nalikom ng isang discount store sa Quezon City. Japan Home Centre 

MAYNILA -- Matapos maglunsad ng promo na 'Sibuyas As Payment' ang isang Japanese discount store, pinamigay nito ang halos 3,000 nalikom na sibuyas sa pamamagitan ng isang community pantry sa Quezon City nitong Miyerkoles. 

Ayon kay Mitzi Gamboa, marketing officer ng Japan Home Centre, nagsimula ang pila sa community pantry sa mismong branch ng kanilang store bandang alas-10 ng umaga. 
 
Bukod sa mga nalikom na sibuyas, nagpamigay rin ng iba pang gulay sa mga pumila. 

Ilan sa mga laman ng community pantry ay red at white onions, Baguio beans, ampalaya, talong, carrots at kalabasa. 

"We hope that the vegetables they received from us could help feed their families, especially during this difficult time... It’s really fulfilling on our part that we achieved our main goal for this campaign, which is to give back to the community," pagbabahagi ni Gamboa. 

Ang ibang mga gulay na ipinamigay sa community pantry ay mula sa mga excess harvest ng mga magsasaka mula sa Batangas.

Paliwanag ni JT Solis, co-founder ng grupong Mayani, nakipag-partner sila sa naturang Japanese store para maipamigay ang mga aning gulay na hindi pumasa sa standards ng commercial buyers.

Imbes na itapon ito, naisipan nilang i-donate ito para sa community pantry. 

Dagdag ni Solis, maayos na mga gulay pa ito kaya nga lang ay hindi visually perfect ang itsura kaya hindi nakapasa sa market standards. 

Hangad nila na sana ay nakatulong ang kanilang munting programa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.