PatrolPH

Mga gamit sa paaralan sa E. Samar sinira ng ilang kabataan

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2022 06:26 PM

Mga gamit sa paaralan sa E. Samar pinagsisira 1
Mga gamit sa paaralan sa E. Samar pinagsisira 2
Mga gamit sa paaralan sa E. Samar pinagsisira 3

Fritz Coleen Antoniette Alido

Fritz Coleen Antoniette Alido

Fritz Coleen Antoniette Alido

Pinasok ng ilang kabataan ang ilang classroom sa isang paaralan sa Guiuan, Eastern Samar nitong Lunes ng gabi at pinagsisira umano ang ilang kagamitan.

Sa mga larawang kuha ni Fritz Coleen Antoniette Alido, makikita ang nangyari sa classroom ng kaniyang ina na nagtuturo sa Guiuan East Central School.

Kinalat ang mga gamit, sinira ang lalagyan ng alcohol at handsoap, at kinalat sa sahig ang ink ng printer.

Maliban sa ilang classroom, pinasok din umano ang computer lab at sinira ang ilang printer na gagamitin sana para sa mga modules.

Ayon sa mga nakakita, dumaan sa bintana ang mga suspek na umano'y mga menor de edad.

Hindi maitago ni Alido ang kaniyang galit sa nangyari dahil aniya'y nagsakripisyo ang kaniyang ina at gumamit pa ng sariling pera para mapaganda ang classrooms.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Guiuan PNP sa pangyayari.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.