DAVAO CITY - Sugatan ang isang taxi driver matapos saksakin ng kaniyang pasahero Biyernes ng gabi sa madilim na bahagi ng Barangay Magtuod sa Davao City.
Kinilala ang biktima na si Severo Bonalos, 54 taong gulang.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, biglang sinaksak ng pasahero si Bonalos nang ilang beses pero nakapanlaban ito.
Tumakas ang salarin.
Iniimbestigahan na ng Talomo Police ang insidente at hinahanap ang pasaherong responsable sa krimen.
Agad ring rumesponde ang Central 911 para sa paunang lunas.
- ulat ni Hernel Tocmo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.