PatrolPH

P7-M halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2021 07:51 PM

ZAMBOANGA CITY – Nasabat ng mga awtoridad noong Sabado ang nasa higit sa 100 kahon ng sigarilyo na umano'y smuggled o ipinuslit nang walang kaukulang dokumento.

Nasa loob ng container van ang mga sigarilyo na isinakay sa isang barko galing sa Isabela, Basilan papunta sa Zamboanga City.

Idineklaro sa manifesto na ang laman ng container van ay goma o raw rubber.

Sa inventory na isinagawa kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard, at Bureau of Customs, napag-alaman na umabot sa 174 na karton ng smuggled na sigarilyo ang nasa loob ng container van.

Aabot daw sa P7 milyon ang halaga ng mga sigarilyo.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng mga sigarilyo.

Nasa kustodiya na ng Bureau of Customs ang mga sigarilyo.

–Ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.