PatrolPH

Barangay sa bayan ng San Enrique, Iloilo isinailalim sa ECQ

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2021 01:38 PM

Barangay sa bayan ng San Enrique, Iloilo isinailalim sa ECQ 1
Inilagay sa isang linggong enhanced community quarantine ang Barangay Imbang Pequeño sa San Enrique sa Iloilo simula Peb.9 hanggang Peb. 15 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar. File photo


Isinailalim sa pitong araw na enhanced community quarantine ang Barangay Imbang Pequeño sa bayan ng San Enrique sa Iloilo mula Peb. 9 hanggang 15.
 

Layunin umano ng lokal na pamahalaan na ma-contain ang lugar upang hindi na kumalat pa ang virus matapos magpositibo sa COVID-19 ang chairman ng naturang barangay.

Napag-alaman din na nagtatrabaho ang barangay chairman sa isang sugar mill plant na may trabahador na higit sa 600, kaya napag-desisyunan din ng management ng naturang planta at LGU ng San Enrique na ipa-swab test ang lahat na mga kawani nito.

Nagsimula ang pagkalat ng virus nang mahawahan ng isang taga-Passi City na positibo sa COVID-19 ang barangay chairman na katrabaho nito.

Sa ngayon ay pansamantalang sarado ang planta para bigyang-daan ang pag-swab test sa mga kawani nito. 

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.