PatrolPH

5 arestado sa umano'y drug den sa Davao City; P165-K halaga ng 'shabu' nakumpiska

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2021 02:23 AM

DAVAO CITY -Lima ang arestado sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang umano'y drug den sa Purok 7, Iñigo Street, Davao City Linggo ng gabi.

Timbog sa operasyon ang subject ng buy-bust na si alyas Wangbu at ang isang kasama nito dahil sa umano'y pagbebenta ng isang pakete ng hinihinalang shabu.

Arestado rin ang tatlong umano'y bisita sa drug den.

Tinatayang aabot sa P165,000 na halaga ng iligal na droga ang nasamsam mula sa mga nahuli sa operasyon.

Sasampahan ng sari-saring paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang arestado. - ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.