PatrolPH

4 sugatan sa salpukan 2 van sa SLEX

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2021 05:04 PM

4 sugatan sa salpukan 2 van sa SLEX 1


MAYNILA – Apat ang sugatan sa salpukan ng isang Toyota Hi-Ace at isang L300 van sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) nitong Martes ng umaga. 

Nangyari ang insidente sa Southwoods exit sa northbound lane ng SLEX pasado alas-9 ng umaga.

Nagdulot naman ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa northbound lane, na umabot pa ang dulo sa Cabuyao, Laguna. Alas-11 ng umaga na nang maalis ang mga sasakyan. 

Agad namang dinala sa pagamutan ang ang mga sugatan at nagpapagaling na. 

Iniimbestigahan pa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang aksidente.


–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.