P340,000 halaga ng 'shabu' nasamsam sa QC drug bust; 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2020 01:19 PM | Updated as of Feb 09 2020 01:54 PM

Narekober umano sa mga suspek ang 2 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000. Retrato mula sa NCRPO 


MAYNILA — Nasa P340,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at 3 tao ang natimbog sa buy-bust operation na ikinasa sa Quezon City noong gabi ng Sabado, ayon sa pulisya.

Matapos bentahan ng umano'y droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer, 

Dinampot ng mga awtoridad sina Kair Pagul, Jalil Magondacan, at Mariam Magondacan matapos bentahan ng hinihinalang droga ang pulis na nagpanggap na buyer, ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nangyari ang operasyon malapit sa isang mall sa Barangay Santo Cristo bandang 8:20 ng gabi, ayon sa NCRPO.

Narekober umano sa mga suspek ang 2 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000. Nakuha rin sa kanila ang isang sasakyan at isang cellphone.

Nakadetene sa Quezon City Police District Drug Enforcement Custodial Facility ang mga suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.