PatrolPH

3 lalaki, nakuhanan ng mga baril, granada

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2020 11:23 PM

MAYNILA - Arestado ang tatlong lalaking residente ng lalawigan ng Rizal matapos makuhanan ng iba't ibang kalibre ng baril at granada sa Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal Linggo.

Ayon sa Rizal Police Public Information Office, isang concerned citizen ang tumawag upang iulat ang mga lalaking may hawak na baril sa tapat ng St. Therese Hospital sa Sumulong Avenue. 

Nirespondehan ito ng mga pulis at dito inaresto ang tatlong suspek. 

Nakuha sa kanila ang kalibre .45, kalibre .38, mga bala ng baril at hand grenade. 

Nakumpiska rin ang dalawang motorsiklong walang plaka.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng pampasabog.

- ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.