Napaslang na barangay chairwoman sa QC, inilibing na

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2019 09:45 PM

Nailibing na nitong Sabado ng umaga si Barangay Bagong Silangan Quezon City Chairwoman Crisell Beltran sa Forest Lawn Memorial Park sa Rodriguez Rizal. 

Ayon kay Gienicolas Bolanio ng Barangay Bagong Silangan, nagmisa sa San Isidro Labrador Parish Church sa Quezon City bago ang funeral march papunta sa huling hantungan ni Beltran sa Rizal. 

Nasa 4,000 katao ang sumama sa funeral march, kabilang ang immediate family at iba pang kaanak ni Beltran, staff at mga ka-partido.

May mga taga-National Capital Region Police Office at Highway Patrol Group din na sumama para sa mapayapang libing. 

Nagpalipad ng mga lobong may mga katagang "Justice for Cong. Beltran" ang supporters pagkatapos ng libing. 

Noong nakaraang linggo, nahuli ang apat na suspek sa pagpatay kay Beltran habang pinaghahanap ang dalawang sangkot din umano sa krimen. 

Bigo pa rin ang mga otoridad na mabatid ang motibo sa pagpatay kay Beltran, na tatakbo sana bilang kongresista sa ikalawang distrito ng QC at aktibo sa kampanya laban sa droga sa lugar. 

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.