Lalaking nang-hostage sa Maynila, patay

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2019 05:07 PM | Updated as of Feb 09 2019 11:52 PM

Patay ang isang 26 anyos na lalaki na nag-amok at nang-hostage sa Pandacan, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Supt. Erwin Dayag, commander ng Manila Police District Station 10, nasugatan din sa insidente ang mga rumespondeng pulis na sina Insp. Genes Alingling at Insp. Guevara na kapwa nagtamo ng saksak sa katawan.

Nakikipag-negotiate umano ang 2 pulis sa suspek na may hawak na 3 hostage pero sinugod nito ang mga awtoridad at sinaksak.

Napag-alaman din na bago pa mang-hostage ang suspek ay nagawa rin nitong manunog ng isang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.