ALAMIN: Parusa sa mga lalabag sa election gun ban

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2019 05:41 PM

Sa paghahanda para sa Halalan sa Mayo ay umarangkada na rin ang election gun ban kung saan bawal ang pagdadala ng mga armas tulad ng baril, pampasabog, at nakamamatay na sandata.

Ayon kay Atty. Claire Castro, hindi dapat isinasantabi ng publiko ang election gun ban sapagkat may mabigat na parusa ang mga lalabag dito.

"Hind na siya subject for probation. Kulong ka kaagad. Hindi ka mapapagbigyan, 'yun ang mabigat," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10446, mga aktibong miyembro ng pulis at militar lamang na may mga kaukulang lisensiya ang maaaring magkarga ng armas tuwing eleksiyon.

Pero maaaring mag-apply para sa gun ban exemption ang ilan tulad ng mga security guard at mga bodyguard.

Ngayong eleksiyon, magtatagal ang gun ban hanggang Hunyo 12.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.