2 timbog sa Zamboanga City buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2019 02:45 AM

ZAMBOANGA CITY - Arestado ang 2 katao sa buy-bust operation sa Barangay San Roque, Zamboanga City Biyernes ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P30,000 at isang kalibre .45 na baril at mga bala.

Itinanggi ng lalaking suspek na sangkot siya sa pagtutulak. Nadamay lang din umano ang babaeng suspek na pumunta lang sa bahay nila para manghiram ng pera.

Naaresto ng mga pulis noong nakaraang gabi ang mister ng babaeng suspek sa hiwalay na operasyon.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sasampahan din ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang lalaking suspek. - ulat ni Leizel S. Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.