Umano'y tulak ng marijuana, dinakip sa Baclaran

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 07:21 AM

Arestado ang isang lalaking umano'y tulak ng marijuana sa isang buy-bust na isinagawa sa Baclaran, Biyernes ng madaling araw, ayon sa mga pulis.

Nakuha mula sa graphics installer na si Oliver Rico Barba ang P37,000 na halaga ng marijuana.

Nahuli rin ng mga pulis ang isang 14-anyos na dalagita na bumibili rin umano ng marijuana mula sa suspek.

Giniit ni Barba na hindi kanya ang pakete ng marijuana at bibili lang sana siya ng ipinagbabawal na droga mula sa dalagita.

Ngunit ayon sa mga pulis ay nasubukan na nilang bumili ng ipinagbabawal na droga mula kay Barba bago ikinasa ang buybust sa Baclaran.

"Nagtest buy kami sa kanya bago itong operasyon. In his possession na ganitong pera 'di ordinaryo ito meaning may pinagkukunan siya na mas malaki," ani Supt. Yahya Yusup, assistant chief of police for operations ng Paranaque.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung saan kumukuha ng supply ng marijuana si Barba.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.