Taxi driver, timbog sa buy-bust sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 12:40 AM | Updated as of Sep 02 2018 10:58 PM

Arestado ang isang taxi driver sa ikinasang buy-bust operation sa Ecoland, Davao City Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Marcelo Mendoza, 40-anyos.

Ayon kay Chief Insp. Ronald Lao, hepe ng Talomo police, kilalang drug pusher umano ang suspek.

Ang mga suki ni Mendoza ay mga kapwa nito drayber ng taxi at van, base sa imbestigasyon ng Talomo police.

Narekober mula sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Depensa naman ni Mendoza, napilitan umano siyang ibenta ang mga ilegal na droga para may pang-gasolina.

Ibinayad umano ito sa kanya ng isang pasahero.

"Item ang ibinigay sa akin, hindi pera," aniya.

Mahaharap si Mendoza sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.