Panaderya sa Caloocan, nawasak matapos maatrasan ng trak

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 05:24 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nawasak ang isang panaderya matapos maatrasan ng isang mixer truck sa Barangay Santa Quiteria, Caloocan City Biyernes ng madaling araw.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Ayon sa may-ari ng panaderya, natutulog umano ang kanyang 2 tauhan nang sumalpok ang trak.

"Nag-text nga lang na hindi sila makahinga sa loob dahil sa sobrang alikabok," aniya.

Nakalabas naman kaagad ang mga ito matapos dumaan sa likod. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon, namatay umano ang makina ng trak habang binabagtas ang paakyat na kalsada.

Nakatalon naman kaagad ang drayber na kinilalang si Gerardo Reyes.

Hawak na ng Caloocan police ang drayber para imbestigahan. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.