'Pagbawi' sa English proficiency ranking ng Pinas, pinag-iisipan na

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 11:43 PM | Updated as of Sep 04 2018 10:16 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Puspusan nang tinatrabaho ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagrerepaso ng mga curriculum sa kolehiyo bilang isa sa mga solusyon sa bumabang ranggo ng Pilipinas sa mga bansang mahusay mag-Ingles. 

"We have to take industry-academe-government partnership more seriously because we have to make sure that the graduates of our educational system have the skills and competencies needed not just in the work place now but in the work place of the future," ani Prospero de Vera, officer-in-charge ng CHED.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng Hopkins International Partners noong 2017 na ang average score ng 10,000 graduating college students mula sa Luzon na kumuha ng English Proficiency Test ay katumbas lang ng target passing score para sa mga Thai at Vietnamese high school graduates.

Ayon sa CHED, tataasan na rin ang suweldo ng mga guro sa state universities and colleges para mas mahikayat ang mga ito na huwag nang magtrabaho sa ibang bansa. 

"The lowest level for instructor is a little close to P30,000 now. The increase next year will be a minimum of P5,000 to P8,000. That's just the entry level," pangako ni De Vera.

Sa kasalukuyan, ang Singapore ang nangungunang non-native English speaker sa Southeast Asia habang nasa ika-5 puwesto naman ang Pilipinas.

Ayon sa mga eksperto, nakababahala ang resulta ng pag-aaral lalo na't nakatakdang mag-automate ang ilang industriya sa bansa, kabilang na ang mga call centers.

"For any machine-learning employee to be up-to-date, you cannot not know English because all the manuals, research papers, data sets are in English," ani Rex Wallen Tan, general manager ng Hopkins International Partners.

Sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment, ang industriya ng call center pa rin ang pangunahing "job generator" sa bansa.

--Ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.